Thursday, November 20, 2008

Sining at Makabagong Teknolohiya (old boiler room)


Makabagong teknolohiya? Mali yata...Bakit luma ang larawan? Ang ibig ko pong sabihin ay ang ginamit ko sa pagmomodelo at pagkokomposisyon ng larawang ito ang makabagong teknolohiya.

Ito ay isa sa ginawa kong 3D art na yari sa 3D Studio Max at isa sa mga isinali ko sa kompetisyon sa GNOMON, ang kaso di ito nanalo. Hehehe, mahuhusay ang mga kalaban, mga digital art master sila mga sinanay at nagsanay sa mga sikat na eskwelahan sa Amerika at Europe. Ok lang mabuti na rin yung sinusubukan natin ang ating kakayanan. Minsan kasi 'pag wala akong gaanong ginagawang konsepto at disenyo nagsasasali ako sa mga kung ano-anong kumpetisyon sa kung ano-anong digital artists site. Libre sumali sa mga ganito,,, GUTS lang kailangan mo.

Kailangan matuto tayong makipag kumpetisyon, dapat kahit walang kalaban isipin mo na kalaban mo ang sarili mong kahinaan. Ang tanong; Pwede ba yon?. Mahirap yung palagi na lang tayong nakukuntento sa kung ano meron tayo. 'Yan ang kadalasan na sakit ng mga Pilipinong kagaya ko. Ok naman yung maging kuntento sa kung ano ang binibigay ng Diyos sa araw-araw, pero kailangan din nating malaman kung may dapat pa tayong malaman,,, parang ang gulo ano? Yun, yun ang kailangan natin, kailangan nating guluhin ang isip natin para masanay sa pag-iisip ng kakaiba. Yung makakatulong sa pamumuhay ha. Kailangan nating maging kakaiba para makita tayo, mapansin ('di-yung kulang sa pansin ha) Ang ibig kong sabihin, kakaiba ka sa iba.Hehehe, kaya nga natalo ang piece na ito dahil di sya kakaiba. Sa Environment model na ito ay pinaghalo ko ang sining at makabagong teknolohiya para mabuo ang larawan.

No comments: