
My Digital Painting (snail)
Dati akong tradisyunal na pintor na hindi sumikat, at walang ginawa kung 'di gumuhit ng kung ano-ano na nakikita ko sa paligid at sa larawan. Nakakamis din ang pagguhit ng mano-mano, natatandaan ko noong panahon na nasa "Portaits International " pa ako, pagkatapos sa eskwela diretso ako sa opisina nila para kumita ng konting pera, 'pang gastos sa kung ano-ano. Makikita ang ilan sa mga guhit kamay ko sa site na ito (www.portretspecialist.nl/sitemap.htm) Ipinapadala ng mga taga-Holland at United Kingdom ang mga paborito nilang larawan para maipinta sa ating bansa. Isa lang ako sa mga freehand artist na gumuguhit sa organisasyon na ito.
Kung susumahin, malaki rin ang kinikita ko sa paguhit ng mga larawan noong aking kabataan. Pero dahil sa puro paggastos ang nasa isip ko, sa madaling salita wala akong naipon...Hehehe, ok lang ganun talaga ang buhay kabataan, walang ginawa kung 'di puro kagastusan, akala mo mayaman. ;) Salamat na lang sa mga nagtiwala sa aking kakayanan sa pagguhit...
Dumating ang panahon na naisipan kong gumuhit gamit ang makabagong teknolohiya at mga taktika ng isang tradisyunal na pintor. Wala akong magawa at napag-tripan kong iguhit itong damil (snail) makabawi 'man lang sa mga kasalanan ko sa kanila noong ako ay bata pa. Palagi ko silang pinupukol pagnakikita kong nag-aakyatan sa mga halaman. Yun lang, isang walang kwentang karanasan. :)
Sa Still Life digital drawing na ito ay ginamit ko ang Adobe Photoshop CS3 sa pagpipinta ng larawan. Masasabi kong malaki ang nagagawa at naitutulong ng makabagong teknolohiya kung ito'y gagamitin natin ng tama para mapaunlad ang ating mga kaalaman at pamumuhay.


No comments:
Post a Comment